Chaplet ng Banal na Awa

Ang Chaplet ng Banal na Awa ay dinarasal gamit ang ordinaryong Rosaryo na may limang dekada. Ang dasal na ito ay batay sa Diary ni St. Faustina Kowalska.

Winika ni Hesus kay Santa Faustina:
Sa araw na ito, dalhin mo sa Akin ANG MGA KALULUWANG GUMAGALANG AT NAGPUPURI SA SA AKING AWA, at ilubog sila sa karagatan ng Aking Awa. sila ang lubos na nagdadalamhati sa Aking Paghihirap at nakatuloy ng ganap sa Aking Espiritu. Sila ang mga buhay na larawan ng Aking lubhang Mahabaging Puso. Magliliwanag sila nang may natatanging kakaningningan sa kabilang buhay. Wala ni isa man sa kanila ang hahantong sa apoy ng impiyerno. Ako mismo ang magtatanggol sa bawat isa sa kanila sa oras ng kamatayan.”

1. Ang Tanda ng Krus

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

2. Panimulang Panalangin

Pumanaw ka Hesus subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, na walang Hanggang Awa ng Diyos, balutin  mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.  (Ulitin ng tatlong beses)

3. Ama Namin

Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian mo Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami sa lahat ng masama

Amen

4. Aba Ginoong Maria

Aba, ginoong Maria napupuno ka ng grasya ang Panginoong Hesus ay sumasaiyo bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang anak mong si Hesus.

Sta. Maria Ina ng Diyos panalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay.

Amen

5. Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat. Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo; sa Banal na Simbahang Katólika; sa kasamahan ng mga Banal;  sa kapatawaran ng mga kasalanan;  sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao; at sa buhay na walang-hanggan.

Amen.

6. Ama na Walang Hanggan

Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Inyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesu-Kristo, na aming Panginoon at Manunubos. Para sa ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan at sa sala ng buong sansinukob.

7. Sa bawat 10 maliliit na butil ng bawat dekada

Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Jesus,

Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

8.Ulitin ang mga natitirang dekada

Dasalin ang “Ama na Walang Hanggan” (6) sa malaking butil pagkatapos ulitin muli ng 10 beses ang “Alang alang sa mga Tiniis na Hirap ni Hesus”.

9. Magtapos sa pagdadasal ng Banal na Diyos (3x)

Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong mundo. 

Amen.

*Tanda ng Krus*

10. Panalanging Pang-wakas

Walang hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at ang kabangyaman ng habag na di maubosubos, masuyong tingnan po kami at palagoin nyo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaring di kami panghinaan ng loob, o kayay malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring pagibig at awa din.

Tignan ang English Version.

Sa araw na ito, dalhin mo sa akin ang mga kaluluwang gumagalang at nagpupuri sa aking Awa at ilubog sila sa karagatan ng Aking Awa. sila ang lubos na nagdadalamhati sa Aking Paghihirap at nakatuloy ng ganap sa Aking Espiritu. Sila ang mga buhay na larawan ng Aking lubhang Mahabaging Puso. Magliliwanag sila nang may natatanging kakaningningan sa kabilang buhay. Wala ni isa man sa kanila ang hahantong sa apoy ng impiyerno. Ako mismo ang magtatanggol sa bawat isa sa kanila sa oras ng kamatayan.”
~ Hesus kay St. Faustina

Other Prayers You Might Like

Prayers To St. Peregrine

Prayers To St. Peregrine

St. Peregrine is known as the patron saint of cancer patients, AIDS victims and others suffering from serious illnesses. These two prayers give us an intrig…

Angelus

Angelus

AngelusThe Angel of the Lord declared to Mary: And she conceived of the Holy Spirit. Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee; blessed art thou among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus. Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at...

Holy Rosary

Holy Rosary

Holy Rosary 1. Make the Sign of the Cross In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. 2. Pray the "Apostles Creed" I believe in God,the Father almighty,Creator of heaven and earth.I believe in Jesus Christ,His only Son, our Lord.He was...

Divine Mercy Chaplet

Divine Mercy Chaplet

Divine Mercy ChapletThe Chaplet of Mercy is recited using ordinary Rosary beads of five decades. The Chaplet is preceded by two opening prayers from the Diary of Saint Maria Faustina Kowalska and followed by a closing prayer.1. Make the Sign of the Cross In the name...

Share This