For the past month, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gabi-gabi parang wala na akong gana sa buhay, gusto ko na lang humiga at hindi na gumising kinabukasan. Last night, sobrang pagod na ako dahil sa sunod-sunod na problema—sa work, sa pamilya, pati na rin sa sarili kong emosyon. Gusto ko nang umiyak, pero hindi ko magawa kasi nandun sa room ang parents ko. Kaya ayun, pigil-pigil lang ako, tahimik na humihinga ng malalim habang sinusubukang kalmahin ang sarili.
Tapos naisip ko, “Jesus, please… help me, kahit ano lang.” Pumunta ako sa isang random Bible verse generator, hoping for some guidance. Yung unang verse na lumabas ay ito:
“You then, my son, be strong in the grace that is in Christ Jesus”
Grabe! Bigla akong napangiti. Hindi ko ine-expect na may ganitong sagot si Lord. Parang ang tagal kong hindi Siya naririnig, tapos biglang dumating yung verse na ‘to. It was exactly what I needed to hear.
Ngayon, sobrang saya ko. Jesus heard my cry! Hindi Siya kailanman nagkulang.
Kaya gusto ko lang i-share sa inyo. Baka kayo rin, dumadaan sa ganitong phase. Tandaan niyo, si Lord nandyan lagi.
Grace and peace to you all